Matagal-tagal na rin ako hindi nakapagsulat kaya eto, medyo excited pa ikwento ang nakita ko sa isang mall.
I'm with my classmates sa isang mall dyan lang sa may Caloocan after our class. Gawain naman namin na hindi muna umuwi pagkalabas ng school at isa pa off ko naman sa office kaya di naman ako kailangang umuwi ng maaga para pumasok sa trabaho. Naghaharutan kami habang naglalakad at masaya naman kami. Then we headed to the mall na tinuring na namin na ikalawang eskwelahan!..hehehehe..kumbaga, merong subject na kailangang pasukan sa naturang mall. Mahilig naman kami sa tingin tingin ika nga window shopping, sa pagkain sa siomai house, takuyaki at kung ano ano pa. After a couple of minutes sa food court, umakyat na kami sa aming pinaka-paboritong lugar, ang amusement area. Lagi kasi kami kumakanta sa videoke, pero hindi yung naririnig ng lahat dahil pumapasok kami sa mga cubicles at dun na magsisimulang magwala. Then some of us play basketball shoot-shootan, video game at guitar hero pati na ang racing whatever!.. Back to video games, meron akong napansin na hindi normal sa mga naglalaro ng video games. I mean hindi sya ordinaryo o sabihin na nating hindi naman sya dapat nandun. Kahit ba sabihin natin na break nya pero ang pinagtataka ko eh, wala bang nakakakita sa kanya na mas mataas sa kanya??
Well, siguro nga eto ang libangan nya.. hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na bakit sya nandun dahil alam ko naman na lagi syang nandun pero hindi para maglaro!..
SYA ANG TINUTUKOY KO!....
Si manong na kinakalaban pa ang bubwit na kagagaling lang sa paaralan. Unusual na makakita tayo ng manong guard na nakikipaglaro sa mga binabantayan nyang mga tao. Instead na maglakad-lakad sya eh ayun, gigil na gigil pa sa kakapindot...at di lang yun, si manong, kumo-combo pa!! HAHAHAHAHAHAHA!!...
Nakakatuwa kasi na makita mo si manong guard na parang galit na galit sa kalaban nya at take note, may kasama pa yang facial expression at body movements.. Sana lang manong, wag kang mahuli o baka itong post ko pa na ito ang daan para mahuli ka sa ginagawa mo!...PEACE!!
No comments:
Post a Comment