Tuesday, August 25, 2009
PILIPINO AKO!!
Earlier, we had our "Linggo ng Wika" and we had a lot of fun sa school grounds. Sabi ko nga kahapon na may mga booth at you need to sell something that was originated from the region in the Philippines that you're representing. Ang aga pa lang eh ang dami ng nagte-text sa akin kesyo "kulang ng ganito, kulang ng ganyan, bili ka ng ganito, kailangan pa ng ganyan" at ako naman ay si "bili" which is hindi naman ako ang pinaka-punong abala! Ang sabi ko ako ang gagawa ng booth at hindi ako ang gagastos but in the end, ako pa rin!.. Pagdating ko naman sa school eh medyo my ibubuga naman ang booth na ginawa nila. Hindi man nasunod yung proposal kong design pero ok na rin since ang importante eh yung sales namin!.. At eto pa, sa dami kong nakikitang booth, lahat sila ang daming binebenta sa booth nila at pagkita ko ng sa amin eh 2 tray lang ng "Graham Cake na gawa sa Durian" pero infairness naman masarap sya. Kaya lang ng dumami na ang tao eh nagkagulo na at noon lang nalaman na wala palang ganito, wala palang ganyan and what have you! So nabanas ako at medyo nag-inarte kaya sila naman ay sige gawa!.. Hahahaha!.. Nagbigay na lang ako ng pera ulit para pambili pa ng pedeng ibenta sa booth na nabili rin naman kahit papaano. Malaki rin naman ang naging benta ng booth namin kasi yung adviser namin eh medyo hinakot ng konti ang mga estudyante ng ibang class nya at take note, lahat ng bibili sa booth namin eh inililista ang pangalan at mukhang my plus point sila for midterm!..Hehehehehehe, biruin mo kahit kendi ay binibili nila, mailista lang ang pangalan nila sa papel na ipapasa kay Sir!..Wahahahah!.. At dumaan ang mga oras na puro kulitan dahil habang nagkakagulo ang lahat sa mga booth eh ako naman ay nakatingin lang at nakasilong!.. Mukha nga akong manager ng isang malaking tindahan!.. Nagkaroon nga pala ng search for "Lakan" and "Lakambini" pati na rin "Kundiman" at "Tagisan ng Talino".. Medyo pinalad kami dahil nanalo ang pambato namin sa "Lakan" at sa "Tagisan ng Talino".. Medyo may konti celebration at pumunta kami kila Davey Jones (ung classmate ko na nanalo sa "Lakan") at medyo may konting inuman.. So ako naman ay hindi pwede dahil diretso na ko ng office kasi may pasok ako!..SAYANG na naman ang mga oras! heheheheh!!...At pagdating ko dito sa office ay eto, nagta-type na naman ako!..Wahahahaha!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment