Sunday, August 30, 2009
22 days!
22 days na lang at hindi na ako makapaghintay!..I'm so excited with my birthday! Every year kasi iba-iba ang nangyayari eh..hehehehe, syempre naman, di ko naman pede i-play ulit yung nangyari last year but i'm really looking forward for this year celebration. Last year kasi, all month long ata ng september eh birthday ko!..Iba ang ang celebration kapag iba ang kasama!.. merong 1st week, 2nd week, the birthday itself na super pagod ang naramdaman ko, at ang huling hirt, October 1,2008 at Gerardo's na mukhang buong team ko at iba pang team with QA's and OIC's eh nandun!...Hahaahaha!!! So this year ang balak ko eh isang buong araw lang na lahat ng bisita ko eh invited!.. Medyo pinaghandaan ko naman ito ng 3 months so palagay ko naman eh di magkukulang, SANA!!! HSF, some MG Peepz, some HCOM peepz, some ISKC peepz (hope they will come), bulakeƱos and bulakeƱas, family, childhood dabarkads, college friends and even neighbors are all welcome!..hahahaha!!...medyo malaking pagtitipon-tipon ito!.. MAHABA-HABANG INUMAN!!!
Friday, August 28, 2009
LRT: Ikaw ang dahilan!
Ito ang dahilan ng halos araw-araw na pagka-late ko sa trabaho!..GRRR!!..
Sobrang tagal gawin nito at di ko alam kung hanggang kailan o kailan man ito matatapos. Pero sabi nga ni Pres. GMA, "Panandaliang Abala, Pangmatagalang Ginhawa". So kailangan ko talagang magtiis araw-araw! Minsan naman kasi nagtataxi na ko at kung saan saan ako iniikot so ganun din, late pa rin ako!.. Anyways, ang akala ko dati, kadugtong ito ng MRT so sabi ko pede na to para 2 rides na lang ako to the office but when I saw the ticket of LRT1, kadugtong pala sya ng LRT1 from Monumento station to SM North EDSA.. Pede na rin kasi taga-5th Ave. Station LRT1 lang naman ako eh, kaya lang ano ang sasakyan ko from SM to Quezon Ave? Bus? Cab Ulit?, di ba hassle yun?.. Wala naman jeep o kaya tricycle man lang!.. (tawag dyan, "pansariling kapakanan") Pero i'm quite excited sa pagbubukas nyang LRT na yan! Hope that it'll make our life more "madali" and more "mabilis"..Hehehehehe!!!..
Tuesday, August 25, 2009
PILIPINO AKO!!
Earlier, we had our "Linggo ng Wika" and we had a lot of fun sa school grounds. Sabi ko nga kahapon na may mga booth at you need to sell something that was originated from the region in the Philippines that you're representing. Ang aga pa lang eh ang dami ng nagte-text sa akin kesyo "kulang ng ganito, kulang ng ganyan, bili ka ng ganito, kailangan pa ng ganyan" at ako naman ay si "bili" which is hindi naman ako ang pinaka-punong abala! Ang sabi ko ako ang gagawa ng booth at hindi ako ang gagastos but in the end, ako pa rin!.. Pagdating ko naman sa school eh medyo my ibubuga naman ang booth na ginawa nila. Hindi man nasunod yung proposal kong design pero ok na rin since ang importante eh yung sales namin!.. At eto pa, sa dami kong nakikitang booth, lahat sila ang daming binebenta sa booth nila at pagkita ko ng sa amin eh 2 tray lang ng "Graham Cake na gawa sa Durian" pero infairness naman masarap sya. Kaya lang ng dumami na ang tao eh nagkagulo na at noon lang nalaman na wala palang ganito, wala palang ganyan and what have you! So nabanas ako at medyo nag-inarte kaya sila naman ay sige gawa!.. Hahahaha!.. Nagbigay na lang ako ng pera ulit para pambili pa ng pedeng ibenta sa booth na nabili rin naman kahit papaano. Malaki rin naman ang naging benta ng booth namin kasi yung adviser namin eh medyo hinakot ng konti ang mga estudyante ng ibang class nya at take note, lahat ng bibili sa booth namin eh inililista ang pangalan at mukhang my plus point sila for midterm!..Hehehehehehe, biruin mo kahit kendi ay binibili nila, mailista lang ang pangalan nila sa papel na ipapasa kay Sir!..Wahahahah!.. At dumaan ang mga oras na puro kulitan dahil habang nagkakagulo ang lahat sa mga booth eh ako naman ay nakatingin lang at nakasilong!.. Mukha nga akong manager ng isang malaking tindahan!.. Nagkaroon nga pala ng search for "Lakan" and "Lakambini" pati na rin "Kundiman" at "Tagisan ng Talino".. Medyo pinalad kami dahil nanalo ang pambato namin sa "Lakan" at sa "Tagisan ng Talino".. Medyo may konti celebration at pumunta kami kila Davey Jones (ung classmate ko na nanalo sa "Lakan") at medyo may konting inuman.. So ako naman ay hindi pwede dahil diretso na ko ng office kasi may pasok ako!..SAYANG na naman ang mga oras! heheheheh!!...At pagdating ko dito sa office ay eto, nagta-type na naman ako!..Wahahahaha!!!
Monday, August 24, 2009
Another day has gone...
After my shift yesternight, nakita ko pa si Inyong (my cousin) sa labas at umiinom.. Eh death anniv nga ni Ate jhen kahapon so aun, humiling ng isang case ng RH!.., so ako naman eh umupo na rin sa table with some of his friends. Nagtext kc si Manuel (my classmate) at nagtatanong kung my pasok daw ba kc nga Ramadan so ako naman, ang isip ko wala ngang pasok kahit hindi ko pa confirm... Cge inom lang hanggang 5:00 am and i finally decided to go to bed. I ended up going to school pa rin since wala ngang final notification na walang pasok. Ang sa akin naman eh kung walang pasok di uwi na lang..EH PUMASOK AKO!..at ang sama pa nun eh hindi pala totoo ung balita na walang class (wala naman balita eh!?? Iniisip ko lang kaagad na walang pasok!!) so medyo hilo-hilo pa ako sa school.. Tapos pagdating dun eh isang subject lang pla.!! Wahahaha!, then meron nga kaming event bukas at kailngang gumawa ng booth kc we represent Region 11 & 12, so ang sabi ng prof ko bumili ng mga gamit for decorations sa booth. Punta kaming lahat sa Divisoria to buy some pamaypay, sombrero and bilao.. After nun diretso kami sa bahay nila Manuel sa Tondo to have some lunch. Then after that, we straight ahead to school para gawin yung booth, eh umulan..so bukas na lang namin gagawin ng morning!..So ako eh umuwi na, at wala pa rin masyadong tulog kasi nga kung saan saan pa ako pumunta.. Naligo lang ako then diretso na sa office at eto na ko ngayon..Nagsusulat!..I mean nagta-type!! heheheheheheh!!...
Sunday, August 23, 2009
A bit of loneliness.
This is a picture of me in Galera that was taken by one of my bestfriends in the industry (wow showbiz!), Tatiana Ley Sta. Maria a.k.a. TATZ!.. I miss them so much that i don't see them for almost a year na! They're the one who always there for me in times na walang wala na talaga ako financially!..hehehehe!!!.. Wish I can treat them at hindi na lang puro ako ang nililibre nila!..wahahahaha!!! hope to see you guys soon!
Alpha!
I just started this blog today while i'm here in the office. Wala lang!.. I felt that I need to write all the things inside my mind!.. and there's a call comes in..wait lang ha.......................................
Un na nga!.. san na ba ko??...aun, i started this blog para naman ma-update ko kayong lahat sa mga nangyayari sa kin and sa mga mangyayari pa!..AWOW!!!
Un na nga!.. san na ba ko??...aun, i started this blog para naman ma-update ko kayong lahat sa mga nangyayari sa kin and sa mga mangyayari pa!..AWOW!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)